Ano ang direksyon mo bilang guro ?

Kung gagraduate ka na sa kursong EDUCATION, ayaw kitang batiin ng Congrats, siguro mas fit yung…

WELCOME TO THE JUNGLE!

Marami ka pang matutunan na sa mismong field mo na matutunan. Pero naisip mo ba na kung ano ang direksyong tinatahak mo bilang guro?

Hayaan mong i-tour kita.

  • Kailngan mong mag aplay sa private school (diyan ka muna mag aaplay )
  • Habang nasa private school ka ay magreview ka para sa LET (yan ang karwahe mo para sa  direksyon na gusto mong maabot) P.S. may mamemressure sayo diyan na KAILANGAN MAKAPASA KA OR ELSE ENDO NA. 
  • Pag nakapasa ka na (congrats) ay pwede ka ng mag-apply sa Public School. Mag ipon ka na ng pang aplay at ng matinding determinasyon (OO matindi dapat, malalaman mo yan kapag nag aaplay ka na)
  • Kung natanggap ka na (sana permanent at hindi sub teacher) Congrats ulit pero simula pa lang yan ng lakbayin dahil kailangan mong umangat ng posisyon kaya..
  • Mag aaral ka ulit ng ilang taon para sa pag angat ng Posisyon (Maed and PhD)
  • At dahil nakatapos ka congrats dahil aangat ka ng posisyon at maaring maabot ang tuktok ng pagiging guro. Pwedeng Principal, pwesto sa Division Office or pwede ding maging Professor sa State Colleges

Eh madali lang naman pala, OO pero alam ko na hindi madali yung bawat hakbang. Mula sa pag graduate sa Bachelor’s Degree, pag aplay sa trabaho, pag take ng exam sa LET, etc.

PARA SA’YO ITO

  • Alam kong mahirap mag aplay sa Private School, pero kinaya mo, kahit alam mong mayroong paaralang below minimum wage ang sweldo, kahit Bachelor’s Degree.
  • Hindi madali ang pumasa sa LET, ilang gabing puyat sa review ang ilalaan mo sa isang buong araw na exam. Alam ko ang pakiramdam ng paghihintay ng resulta (clue: para kang naghihintay ng araw ng bitay mo)
  • Parehas kong alam ang pakiramdam ng bumagsak (depresyon, iyak, hiya at sama ng loob) at pumasa. Lalo’t madami kang kasabay ang magpopost sa kanilang FB account. (Clue: Parang kagat lang ng langgam na segusegundong mangangagat sayo para ipaalala ung sakit)
  • Sama ng loob, inis at napakahabang proseso ang pag aaplay sa Public School at kakain ito ng napakaraming oras mo. (Clue: mararamdaman mo kung anong klaseng sistema mayroon sa Pilipinas)
  • Hindi basta basta ang pag angat sa posiyon kagaya ng iniisip ng iilan. Taon, Certificate, naipanalong Contest at Backer (clue:  Maraming nasira ang relasyon dahil sa ranking)
  • Masalimuot ang Graduate Studies (Hindi ko na ipapaliwanag )

Sa likod ng proseso, alam  kong maraming iyak, kaba at sakit ang hindi nabanggit sa tinatahak ng isang guro.

Hindi para takutin ang mga papasok at sasabak sa propesyon, kundi para paalalahanan na…

  • Ang pagiging guro ay hindi nakabase sa naabot mong posisyon (bagamat gusto nating lahat na umangat)
  • Hindi mo pwedeng maliitin kung hindi sya pumasa sa LET  o kung hindi sya nagtuturo sa Public School.
  • Guro parin sya kahit T1 sya hanggang sa magresign.
  • Guro parin sya kahit hindi sya grumadweyt o hindi sya nag aral ng graduate studies.

Kung tumapak ka sa loob ng silid aralan bitbit ang puso, utak o bayag, para sayo ang malaking PAGSALUDO at PAGHANGA  ko sa tapang at dedikasyon mo.. 🙂

2
Leave a Reply

avatar
1 Comment threads
1 Thread replies
0 Followers
 
Most reacted comment
Hottest comment thread
2 Comment authors
adminMiron Maguigad’ Recent comment authors
  Subscribe  
newest oldest most voted
Notify of
Miron Maguigad’
Guest
Miron Maguigad’

Ang lupet po ng mga salitang ginamit