Bakit di ka dapat maging ADVISER ?

Ang tanong may choice ka ba ?

Kung mayroon ay huwag pero kung wala ehh Ganun talaga .

Naalala ko ung co teacher ko na may hawak ng music ng buong grade 7-10

 Wala syang advisory class Sa isip isip ko ang swerte nya .

Pero di ko makakalimutan ung sinabi nya

“Pag wala kang advisory ,parang wala kang bahay ”

At tama nga sya 3 taon akong walang advisory ( Property custodian ako )

Kaya hehehe di ako nagaalala sa SF 1-100

saka ung kung anu anung forms na kailangan mong asikasuhin pag adviser ka

Un nga lang

-wala akong bahay pag may event gaya ng nutrition month ( may kainan jan ) ,buwan ng wika ( mayroon din dito) Christmas party ( lalo na dito )

-wala akong pwesto kapag ( JS Prom, fieldtrip at iba pang event )

 -walang bata masyado na mag greet sayo ng teachers day

At ngayon na hindi na ako custodian

 Hindi ko inirerekomenda na maging adviser ka dahil

 1. Problema mo sila hindi lang sa oras na hawak mo sila

– alam yan ng mga adviser na sinusumbungan ng mga kapwa mo adviser

– alam yan ng adviser na kapag may nawawalang cellphone,wallet,pera,utak at sarili sa loob ng classroom

– alam yan ng adviser na may nasirang gamit,naaksidente,nagsuntukan ( instant referee) ,nahulihan ng mga bagay na di dapat nasa estudyante ( yosi,marijuana,vape,condom ,pills)

2.Problema mo pa din sila kahit nasa labas ng school

– Tatawag ang magulang na wala pa ang anak nila sa bahay

 – tatawag ang may ari ng shop na nag shoplift ang advisory mo

 – magrereklamo ang kapitbahay na ang advisory mo ay nambubulabog sa labas ng school

 – magrereklamo ang baranggay o pulis na ang advisory mo ay nadawit sa hindi magandang gawain

3.Bitbitin mo sila

May pagkakataon na mas nakikinig ang bata. Sa Teacher kaysa sa magulang nila Kaya

 -Kargo mo sila sa kung anu ang dapat nilang maging desisyon at landas na tatahakin

 -Kargo mo sila kung bumabagsak sila sa kanilang aralin

-Kargo mo sila kung nagdrop,nagumon sa masamang bisyo o hindi magandang Gawain

 -Kargo mo sila kung may maling relasyon na namamagitan sa mga advisory mo

 4. Hindi maiiwasan ang gastusin Alam ng mga adviser yan lalot nasa public school ka ( self explanatory)

Hindi ko na sinama ang sandamakmak na paperworks nila at masakit sa ulong pagpilit na huwag silang mag drop

Madami pang mga bagay na ginagawa ang mga adviser na hindi sila nasusuwelduhan .

kaya Malaki ang paghanga ko sa mga adviser na extra miler

Kaya naman ang pagiging adviser bagamat kasama sa pagiging guro sa pinas ay hindi para sa hindi kayang magsakripisyo .

Mayroon na akong kilala na naging adviser ng worst section at makalipas ng 3 buwan umiiyak na nagsabing “ayoko na” 🙁

( nag resign sya at hindi natapos ang school year )

At sa mga Estudyante

Gaya ng First Commandment ko sa Advisory ko.

Walang TEACHER ANG MAS HIGIT KAYSA SA ADVISER !

HAPPY TEACHERS DAY 🙂

Leave a Reply

avatar
  Subscribe  
Notify of