Bawal na Bawal

Maraming bawal sa isang guro bilang propesyonal na guro karapatdapat lang na mapanatili nito ang dignidad sa pagtuturo .

Pero eto ang bawal na bawal

 Ang magkasakit

Dahil masakit pa sa sakit ang magkasakit .

 Sa dami ng mga dapat magkasakit bakit ang teacher pa.

Di ko ibig sabihin na dapat sila lang ang magkasakit Kaya lang sa isang guro

 Hindi pwede dahil

1.Tao ang maiiwan nya tuwing liliban ng klase .

Hindi higit ang pagtuturo sa ibang propesyon lahat mahalaga pero mga bata na maaring walang magbabantay ang naiisip ng mga teacher pag may sakit o di kay ung lesson nya na kailangang matapos.

 2. Tambak na trabaho ang babalik nya pagpasok .

 Kaya nga malamang sa hindi maghahabol ka ng lesson pag liban ka ng ilang araw bukod dun ay samu’t saring forms na walang pwedeng mag sub ang kailngang asikasuhin

PRO TIP: isiping maigi ang mga tambak na trabaho para sa agarang pag galing

4.Baka walang matira sa sweldo kung aabsent pa. siguruhing may service credit

 3. Hindi natin kayang magkasakit ng pangmayaman .

Bakit ?

 kasi hindi lahat sa atin may ipon

may ilan sa atin

-Nag papa aral ng kapatid

-Nagsusustento sa magulang

 -May anak na binibilhan ng pangangailngan

 -May kaanak na may sakit

 -Maliit nalang ang sweldo gawa ng loan

 -atbp

Kaya naman Bawal tayong mag kasakit

 Maraming guro ang sobra ang dedikasyon sa trabaho .

Nasaksihan ko yan sa ilang taon ko sa propesyon.

Ang ilan mas maraming oras sa school kaysa sa bahay ( wag ka maniwala na 6 hours lang kaming teacher )

Pero tandaan :May limitasyon tayo dahil tao tayo.

Sa huli hindi tayo mapapagaling ng mga tinuturo natin kungdi ng pag iingat natin sa sarili.

 Mahal kong kaguro

 1. Huwag kang magpuyat para sa mga kailngang tapusing forms ( pwede kung koreanovela,online games ,anime )

2. Hindi makakatanggal ng pagod ang sobrang pagkain.

 3. Humingi ng tulong kung hindi kaya ang trabaho

 4. Huwag sagarin ang sarili. Kung kinakailangang lumiban gawin mo kaysa maging permanente ang pag liban

5. Huwag magtipid sa sarili kung kailangan ng katawan

6. Kung hindi kaya ang trabaho tanggihan .

 nakakabahala ang ilang balita tungkol sa mga guro,

maging ako minsan gusto kong tanungin Eto ba ung first love ko ?

 Pero baka kailangan lang nating bumuwelo ng kaunti (parang cool off ahaha naks )

 Ingatan mo sarili mo kaguro dahil hindi ang propesyon mo ang mag aalaga at mag aalala ng higit kungdi ang pamilya mo

Leave a Reply

avatar
  Subscribe  
Notify of