Birdbox

Nasa kakahuyan ka at hawak ang iyong ina parehas, kayong nakapiring, may boses kayong naririnig, maingay, nakakabulahaw. Konting lakad pa at narinig mo ang boses na nagsasabing buksan nyo na po ang inyong mata.

https://www.monstersandcritics.com/wrestling/was-john-cena-in-bird-box-why-google-has-the-wwe-superstar-listed-as-appearing-in-the-new-netflix-movie/

Sa pag aakalang ligtas ka na kaya idinilat mo ang mga mata at tumingin sa ibinibigay sayo.

Cue : tagpuan “at tumigil ang mundo”

Nakakita ka ng duguang papel at hawak na ito ng nanay mo. Sabay bati ni teacher “Happy Valentines”.

#DistributionOfCards

Bilang pakikiisa sa Valentines day ay pula ang bolpen na ginamit sa grades mo.

Critical ang gawaan ng grades. Dito mag kakaalamanan lahat. Ang repleksyon ng buong quarter na pakikibuno sa loob ng class room. Alam ko ang mga sentimyento na lumalabas sa isip natin kapag gawaan na ng grades

Kung magiging totoo lang tayo sa mga isusulat sa likod ng card ay maaring brutal ang mga isusulat natin dun.

1st Grading : Iwasan ang pagliban ng kaunting araw upang maging tahimik ang klase

2nd Grading : Siya ay may kadaldalan ,tamad,bastos, maingay, magulo

3rd Grading : Maganda ang kanyang pag uugali , isa syang malaking BULLY

4th Grading : Binabati ko ang susunod mong adviser, GOODLUCK!

Pero dahil nga “MUST promotion tayo” kaya ang ilang guro ay parang sinasaksak habang gumagawa ng grades.

Totoo naman na may batang hindi talaga deserving sa grades na binigay natin, sa huli tatawanan pa ang ilan sa atin at sasabihing

“Ipinasa ako nyan kahit wala akong ginawa”

ANU BA ANG MGA DAPAT ALALAHANIN SA PAG GAWA NG GRADES ?

1. Anu ba ang magiging epekto ng gradong ibibigay ko sa mga bata ?

Hayaan mong ikuwento ko sayo ang pinakamalungkot kong grading period sa buong pagtuturo ko. Isang estudyante ko ang nagpakamatay at ang malungkot, isa ako sa dalawang guro na nagbigay ng bagsak na grado. Bagamat hindi daw yun ang dahilan pero hindi ko makakalimutan ang kantyawan ng kapwa guro.

Hala ka sir bakit mo kasi binagsak !

#creepy

Isipin mo muna maigi. Di ko sinabing ipasa mo kagad o ibagsak

HAWAK MO ANG KAPANGYARIHAN PARA MABIGYAN SYA NG GRADONG MAKAKATULONG SA KANYA

Bakit makakatulong?

Kasi alam mo na ang gradong makukuha nya ang magpapakita kung kailngan nya bang mag improve, galingan pang maigi o huminto na lang sa pag aaral.

2. Ano ba ang dahilan bakit bagsak sya ?

Maglatag nang DAHILAN at mga ginawang PARAAN

Alam kong tali ang oras natin bilang mga guro. Lalo na kung pamilyado kang tao pero hinahanapan tayo ng paraan na ginawa para maiwasan ang pagbagsak ng bata. Marahil nakagawa na tayo ng paraan pero wala parin. Saka natin ilatag ang grades na alam nating karapat dapat sa kanya.

3. Kapag binigay ko ba ang gradong ito, may pag asa pa ba sya?

First blood palang pero alam mo na GGWP (Good Game Well Played )

Alam mo ba yung pakiramdam na 1st quarter palang ay amoy summer class ka na? May ilang guro ang wagas magbigay ng grado. Line of 6 o di kaya ay 70 ang grade sa first quarter. Alam nating mga guro na ilan sa mga estudyante natin ay mahina, makulit, bastos, mayabang etc. Pero pag hinatulan natin sya ng 70 (nakupo lalo na ung line of six) para mo nang sinabing hindi na sya pwedeng matuto sa subject mo. Ang hirap hatakin yan lalo’t tatlong grading period mo ibingay ang mga gradong iyan . Marahil pwede na ang 73 kung bagsak ( sa akin lang naman ito ) parehas na bagsak pero mas may pag asa hehehehe.

4 . Ano ang epekto ng mga grado sa relasyon ninyo ng mga estudyante?

Dadalo na ako sa araw ng graduation day ng aking advisory class, naka porma na ako at nakahanda dahil ako ang EMCEE. Sa kung anong dahilan ay binati ako ng kaharap ko sa jeep.

Student: Sir

Ako: Uy kumusta, saan ka ngayon?

Student: Ay me pasok ako sir sa construction, binagsak mo kasi ako ehhh…

Ako: (Speechless ng ilang segundo) dapat kasi ay pinag igihan mo ang pag aaral mo.

Malinaw pa sa akin ung senaryo ng estudyante ko, gusto ko ng bumaba ng jeep ng mga oras na yon at lakarin nalang kahit malayo pero pinili kong magbisibisihan nalang at mag cellphone kunwari at mag headset para iwasan ang isyu. Ewan. Lutang ako sa mga sumunod na oras, gusto kong sabihin NAG HOME VISITATION KAMI, SAKA AKO LANG BA NAGBAGSAK SAYO? KAHIT NABA ADVISER MO AKO EHHH, DAPAT IKAW GUMAWA NG PARAAN.

Pero hindi, kasi alam ko na binagsak ko sya.

May ilang nagpapasalamat, may ilang deadma. Pero eto ung talagang di ko maisip ung pakiramdam na sinisisi ka sa nangyari sa kanila. Sa huli alam kong gumawa ako ng paraan pero alam kong hindi naging ok ang epekto ng grades saming dalawa.

Sa huli ikaw ang may kontrol sa mga grades na ibibigay mo sa bata. At naniniwala akong walang maling grades kahit pa hindi mo sundin ung mga nakatala sa taas dahil alam kong nagturo ka at gumawa ka ng paraan. 4th grading na sa oras na sinusulat ko ang article na ito at alam kong may mga guro na pilit inililigtas ang mga nasa tiyak na kapahamakan. Tandaan mo teacher lang tayo hindi tayo ang hahawak ng buhay nila.

Pero parte tayo.

Leave a Reply

avatar
  Subscribe  
Notify of