Di ka pasisiil

Siguro Ang isa sa pinakamahirap sa ating mga guro pag nagtuturo ang magpasunod ng bata.

 Pero Sigurado Na mas mahirap magpasunod ng teacher.

 Ewan ko ba pero ugali ba talaga nating pinoy na hindi tayo sumunod ?

Sa kalsada

 Sa tawiran

Sa basurahan

 Sa mall

 Sa bahay

 Sa paaralan

 Sa madalas na klase namin sa masteral Laging usapan ang kanikanilang principal

 Mga Reklamo Hinaing Kuwestyon Komento Etc.

 Sigurado akong may komento ka sa Principal mo ( kung principal ka na ehh sa SDS mo)

Kung tatanungin mo ko tungkol saking principal ehh ( pm mo ko )

Ganito lang kasimple

May kanya kanya tayong Leader sa bawat institusyon .Kahit san ka tumapak na lugar laging may nakatataas sa iyo at sa loob ng classroom bilang guro ay ikaw ang pinakamataas .

A good leader is a good follower

 Alam ko naman hindi madaling magpasunod pero mas hindi madaling sumunod dahil

1. Maaring mas magaling ka sa leader nyo

2.Hindi kayo in good term

3.Maganda ang ugali nya clue: miyembro sya ng Nazi

 4. Hindi nakikitaan ng sipag Mas marami ka pang mailalagay diyan at mas malikhain mo syang mailalarawan (lalo na kung asar ka sa kanya )

Paalala lang kaguro

Mga Taga-Roma 13:1-3 [1]Ang bawat tao’y dapat pasakop sa mga pinuno ng pamahalaan, sapagkat walang pamahalaang hindi mula sa Diyos, at ang Diyos ang nagtatag ng mga pamahalaang umiiral.

[2]Kaya nga, ang lumalaban sa pamahalaan ay lumalaban sa itinakda ng Diyos; at sila’y paparusahan.

[3]Ang mga pinuno ay hindi dapat katakutan ng taong gumagawa ng mabuti. Ang mga gumagawa lamang ng masama ang dapat matakot. Kung ayaw mong matakot sa mga namumuno, gumawa ka ng mabuti, at pararangalan ka nila.

 Malinaw ang bawat talata.

Ang paalala na ang ating mga pinuno mabuti man o masama ay galing sa Diyos .

 Naiintindihan ko ang mga salitang

“Ung Leader naming ehhh ganito o ganyan” .

Tandaan po natin lahat may panahon . Walang permanente sa mundo.

Maari kang magsalita at magtuwid kung may mali pero hindi kailangan lumaban .

Oo ,mahirap ang sumunod , ugali na nga siguro nating mga Pilipino ang hindi pagsunod.

Paano kaya kung magsimula sa ating mga guro sa loob ng paaralan bago natin ituro sa mga bata ?

 HINDI KASI NATIN PWEDENG ITURO ANG BAGAY NA WALA NAMAN TAYO.

 Malaking issue sa atin ang pagpapasakop hindi lang bilang guro kungdi bilang tao .nakapaloob kasi ang PRIDE natin na sumunod sa hindi sa panuntunan at lalong hindi sa tagapagpatupad nito.

Kaya naman ang pagbabagong hinihingi natin madalas sa kapwa natin ay lagi talagang magsisimula sa ating sarili.

2
Leave a Reply

avatar
1 Comment threads
1 Thread replies
0 Followers
 
Most reacted comment
Hottest comment thread
2 Comment authors
adminMiron Recent comment authors
  Subscribe  
newest oldest most voted
Notify of
Miron
Guest
Miron

Gusto q ung no. 3. Boss kailangan mo ng magaling mag drawing para May cover kng maganda sa short story mo! Ang pangit ng drawing eh HAHAHAHAHAHA