Erase the board !

May malaking aral sa mga nakasulat sa pisara na kahit gaano ka ginto ay kailangang burahin

at

ito ang tatlong dahilan

1.PAG RESPETO SA SUSUNOD NA KLASE

Sa parehong paraan na binubuhusan mo ang kubeta pagtapos mong gamitin bilang pag galang sa susunod na gagamit .

Magmumula sa guro kung paano ipapakita ang respeto sa susunod nilang klase .Maaring maliit na bagay pero ang buradong pisara ay hudyat na tapos na o magsisimula na ang klase .

Ayaw natin na may ginagawang ibang aralin sa oras ng ating klase ,at ito ay magsisimula sa malinis na pisara .

Hudyat na ikaw ang may ari ng oras na iyo sa loob ng klase .

2. PAGPAPAKITA NG KAHANDAAN

Isa sa ayaw natin ay ang mga batang hindi handa sa klase natin. Walang assignment ,Walang ballpen o papel, maging walang gamit sa activity.

Kasama dito ang mga estudyante mong klase mo na pero nagsusulat ng aralin sa naunang klase.

Tandaan na ang leeson plan ay sumusunod sa prinsipyong SMART kung saan ang T ay timebound.

Kaya naman anu man ang mangyari ay dapat alam natin ang oras na saklaw ng klase natin upang maihanda sila sa susunod nilang klase

3. DISIPLINA

Kung babalikan ang mo ang lesson plan mo sa bandang routinary activities kung saan nanduon ang

CLEANLINESS

Di magsisimula ang klase hanggat hindi malinis ang silid aralan .

Hindi nila ginagawa sa lahat ng subject nila yan

Sa mga piling guro lang nagtuturo at tumatayo sa prinsipyong

higit sa KAILANGANG ARALIN NA MATUTUNAN NILA AY ANG DISIPLINA

Bilang pagtatapos

Pumasok ako sa klase kung saan nakita kong hindi pinabura ng teacher ang pisara.Walang tumayo para burahin ang nakasulat sa board (Maaring hindi nya inutos o hindi sila sanay magbura ng board )

Makikita mo sa larawan na halo halong sulat na halatang nagkapatong ang sinulat .

HINDI KO IPINABURA ANG NAUNANG NAKASULAT AT PINATUNGAN NG LESSON NA ITINURO KO .

Magkahalo ang lesson,exercises at seatwork

Hindi nila makita ng maigi ang nakasulat dahil sindya kong magpatong ang mga sulat

natapos ang klase na alam kong hindi nila natutunan ang tinuro ko

pero higit sa lesson ko

NATUTO SILA NG DISIPLINA

NA TAYONG GURO ANG DAPAT MAGTURO

Leave a Reply

avatar
  Subscribe  
Notify of