Fire Prevention Month

So marso nananman at alam na .
Tag init nanaman kaya ito ang isa sa pinakadelikadong buwan sa bansa.

Ibayong pag iingat ang kailangan mga kaguro pero hindi ito ang talagang pinaghahandaan natin tuwing marso kungdi

1. Sf1-5
2.IPCRF
3.Honors
4. Deliberation of Grades
5. Practice ng Graduation or Moving Up ( kung adviser ka ng grades 6 ,10 or 12)

6. Cards
7. Etc. ( may iba ka pang pinaghahandaan alam ko yun )

Kaya naman ang tanung .

Sunog ka na ba ?

Iwasan ang masunog o ung tinatawag na

BURNED OUT
: to cause to fail, wear out, or become exhausted especially from overwork or overuse

Hindi nama nagbabago ung trabaho natin pero bakit parang patung patung ito

Mabigat
Marami
Mahirap

Kaya naman ang paulit ulit nalang ang nangyayari sa atin sa umaga ( routinary) at malamang ay hindi mo na ineenjoy ang trabaho gaya ng unang pasok .

Activity: lagyan ng check ang salitang naglalarawan sayo sa kasalukuyan

3 areas to check upon

1.Emotional aspect
Sense of failure and self doubt___
Feeling helpless ___
Trapped and defeated ___
Detachment ___
Feeling alone in the world ___
Lose of motivation ___
Pessimistic ___

2. Physical
Feeling tired and drained -di ka pa nagsisimula napapagod ka na ___
Lowered immunity ___
Frequent illnesses ____
Frequent headaches or muscle pain ___

3.Spiritual
Withdrawing for responsibilities___
Isolating yourself from others ___
Procrastinating ___

Alamin ang degree ng pagkasunog ayon sa dami ng check .

1-3 sunburn ( 1st degree burn)
4-7 medium rare ( 2nd degree burn)
8-10 well done ( 3rd degree burn)
11-14 overcooked ( 4th degree burn)

Paano ba makaiwas sa pagkaburn out

1. Makipagtulungan

Simple lang pero madalas na ang tulong makukuha natin sa pakekealam . Huwag mahihiya magtanung (cue: ritemed) at humingi ng tulong sa mga gawain.Naranasan ko kasi sa unang taon ko sa public school na akala ko kaya ko mag isa .Salamat na lang at na ayus sa pamamagitan ng mga KASAMA KO SA YEAR LEVEL.

2. Magkaroon ng ibang recreation .

Mainam ang ibang stress reliever activity .

Basketball
Gumala
Manood ng sine

Kahit ano na pwedeng magparelax sa atin . Hindi kailangan na buong oras ay igugol natin sa trabaho .Madami tayong pwedeng pagtanggalan ng stress at bukod dun mabisang pangbawas ng pressure

3. Lumapit ka

“Kung wala ka ng maintindihan kung wala ka ng makapitan
Lapit ka sa akin” – Wag ka nang umiyak (Sugarfree)

Mateo 11:28-29
[28]“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatang lubha sa inyong pasanin, at kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan.
[29]Pasanin ninyo ang aking pamatok at sundin ninyo ang aking mga itinuturo sapagkat ako’y maamo at mapagkumbabang loob. Matatagpuan ninyo sa akin ang kapahingahan

Pinaka mabisa ang kalakasang spiritual .

Pinakamainam na paraan para makapagpahinga ang paglapit sa Diyos at ipagkatiwala ang kabigatan

1 Pedro 5:7
[7]Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo.

GINUSTO MO YAN IHHH !

konting panahon na lang naman din at bakasyon na . Isipin mo nalang NAGAWA KO NA LAST YEAR YAN EHHH

OH KUNG BAGO KA PA

SA SIMULA LANG YAN 🙂

Iwasan ang pagkasunog bago pa tuluyang maabo sa trabaho

Leave a Reply

avatar
  Subscribe  
Notify of