Ano ang isang Guro ?

Una sa lahat isa siyang Tao

Tao na naghahatid ng kaalaman sa mga estudyante .May hangganan ,limitasyon at may emosyon,May pangangailangan gayon pa man pumupuno ng pangangailangan ng iba .

Isang Propesyon

Tapos ng apat na taon sa kolehiyo . Isang trabaho na hindi basta lang ang kwalipikasyon .May licensure exam .Dahilan para hindi sinuhin ang pagiging guro. Hindi pwedeng ikumpara sa ibang propesyon gaya ng sino magaling lumangoy ang isda o kuneho.

Isang Paglalakbay

Maraming kwento sa pagiging guro at ito ang bawat daan,lubak mga pagkakamali o nadiskubre nila sa pagiging guro lamang. Guro ka man o hindi alam kong isang beses ay nakatagpo ka ng isang guro pangalawang magulang o kaaway . isang kaibigan o kuya maaring masungit mong tito o tita ,pwede namang menopause mong lola o andropause mong lolo. Anu't ano pa man alam ko parte sila ng buhay mo . Hayaan mong sa pahinang ito ay maalala natin sila .

 

 

HOME