Paano maging PRO TEACHER

Paano maging isang Professional Teacher ?

Sa loob ng paaralan bilang guro ay may kanya kanya tayong posisyon na dapat alalahanin at bigyang pansin .

Pero bilang trabahador ay pantay pantay tayo, kaya naman isang bagay ang nais ipaabot ng blog na ito ay ang paggalang sa kapwa bilang guro.

“Huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sayo “

ILANG ETIKETA SA PAKIKIPAGKAPWA BILANG GURO

1. HUWAG MASYADONG MASARAPAN

Alam kong masayang activity kayo,alam kong di pa sila tapos magsulat ng buong kabanata,at alam kong naghahabol ka ng lesson pero

Paano ako ? ung lesson o ung budget of work ng subject ko .

Parang taeng tae ka na tapos nasarapan ung nliligo sa banyo kaya nag sabon ulit

Parang sa computer shop na excited ka ng mag DOTA tapos biglang nagextend ung inaabangan mong PC

O di kaya ay inaantay mog matapos ung ANG PROBINSYANO tapos napagtanto mo 3 taon na sila and going strong

So hindi lang ikaw ang may pangangailangan na matapos ang budget of work. Taandaan itinutiro sa LP ang T (Time bound ) ayon sa SMART rule ng paggawa ng objectives.

2. HUWAG NINJA MOVES

15 minutes break tapos biglang napadigma ka. Nakasalalay ang star sa laban ,Hindi mo pwedeng iwan bukod sa mumurahin ka ng mga kakampi mo ay hindi mo pwedeng isuko ang star mo.Kaya maiinitindihan ka ng mga estudyante mo at ng mga katabing klasrum mo

#triggered

Di naman yan lang ang dahilan ,Pero madalas  na 15 mins. Nang klase mo ay napupunta sa pagsasaway ng mga klasrum na wala pang teacher. Minsan lang naman mga 4x a week

May ibang dahilan na valid naman kagaya ng kailangan mong mag eroplano papuntang room o di kaya ay di pa tapos ang pinapanood mong korea novela

Isa lang ang punto dito .Ayaw mo ng late ,dapat Makita sa iyo ,huwag ka munang magpaka PILIPINO pag ating sa oras .

3. MALINIS NA ANG MANILA BAY

Kaya sana bago ka umalis ng Classroom wag mong pabayaan nakasulat sa pisara ang ebidensya na pinasulat mo lang ang nakasulat sa libro buong oras (OOPS!) .Ugaliing malinis ang Classroom bago iwan ang klase.

4. DI LANG IKAW

Ang kailangang maintindihan o kailangang makatapos ng lesson ,O di kaya ay makagamit ng makabagong teknolohiya sa pagtuturo kaya naman.

1. Ipakita ang respeto sa kabilang classroom sa pamamagitan ng pagtuturo ng hindi makakaistorbo sa kabilang klase.

2. Kung gagamit ng sound system siguruhin na sapat ang lakas nito para marinig sa buong classroom hindi sa buong paaralan

3.kung gagamit ng lapel ay huwag ng sumigaw (self explanatory)

Respect Begets Respect

Simpleng rule na kailangang matutunan ng estudyante natin kung UNA nating magagawa sa kapwa guro

Leave a Reply

avatar
  Subscribe  
Notify of