Ikaw Muna

Sa loob ng classroom lalo na sa public school kung saan ay malaki ang bilang ng studyante per section importante ang marinig ka .

HINDI BA KAYO MAKIKINIG!

Ikaw na bahala sa volume nung boses ni teacher. Alam ko yung nararamdaman ni teacher kasi kailngan talaga makinig para matutunan ang lesson. Pero paano kung mas kailangan nilang mapakinggan kaysa makinig. Mas makapangyarihan ang magiging payo ng guro kaysa ituturo nya sa pisara. Minsan mas nakatutulong ang pakikinig nya kaysa sa sasabihin nya.

Santiago 1:19 [19]Mga kapatid kong minamahal, unawain ninyo ito: maging alisto kayo sa pakikinig . . .

Mas alam mo kung gaano kahirap makinig sa isang estudyante pero makakatulong kung sya ay mapapakinggan.

Bilang guro, naway handa ka na..

1. Makinig ka sa dahilan kaysa sa pawang nakikita lang.

Mas malalim ang dahilan ng mali sa paguugali nila. Buksan mo ang iyong puso sa maaring pag alam ng kanilang saloobin o nararamdaman.

2 Makinig sa dahilan kung bakit sila masaya.

Hindi porket masaya sila at di sila nakikinig ay ayaw nila matuto. Maaring hindi nila mapigilan ang pagtawa at maari kang makinig kung makakatulong ba ito o hindi.

3.Makinig kung may mga bagay na akala nilang tama. Maari kang maging instrumento bilang IKALAWANG MAGULANG. Ang pakikinig mo sa mali nilang akala ang maaaring maging daan para maturuan sila ng higit sa lesson mo sa budget of work.

Sa huli, hindi naman tayo tatanggap ng parangal sa pakikinig sa mga batang di natin kaano-ano, o tumaas man lang ang sweldo pag may bata kang napagaan ang pakiramdam. Maaring mas mabigat ang problema mo kaysa sa kanila. Pero tatak na ng Pilipinong guro ang pagiging ikalawang magulang.

Malaki ang benepisyo sa atin kung handa kang makinig dahil ito ang paraan upang maging handa sila na pakinggan ka.

1 Juan 4:10 [10]Ito ang pag-ibig: hindi sa inibig natin ang Diyos, kundi tayo ang inibig niya . . .

 Sa parehong prinsipyo na ginawa ng Diyos na sa kanya ang first move. Ganoon din sa atin sa pakikinig.

P.S. Balitaan mo ko kung may nabago ba pagtapos mong basahin ito.   

2
Leave a Reply

avatar
1 Comment threads
1 Thread replies
0 Followers
 
Most reacted comment
Hottest comment thread
2 Comment authors
adminMiron R. Maguigad Recent comment authors
  Subscribe  
newest oldest most voted
Notify of
Miron R. Maguigad
Guest
Miron R. Maguigad

Nadamay k lng Sa mga hanash ng bata