WOW MALI !

Ang tama nakakatuwa ang mali nakakatawa!

mula sa slogan ng isa sa mga pinaka sikat na prank show sa pinas

Lumaki ako sa panahong ang palabas ay tinatapos hanggang credits nito dahil dun ipinapakita ang mga nakatagong diamante ng palabas .

ang BLOOPERS ,kung saan ang behind the scene na pagkakamali ng bawat artista ay tinatampok

Nakakatawa ung mga mali ,pero hindi pala nakakatawa pag sa iyo nangyari

nakakaasar

Yung nasa kaligitnaan ng klase .Inaalam mong maigi ang aralin .Natutunan mo na ito at alam mong handa ka na sa anumang pagsusulit. Sa hindi maipaliwanag na pagkakataon ay ipinahawak sayo ang hindi mo dapat hawakan .

Ang CHALK

Kaya ayun pinasagot ka sa board ,buti alam mo ang sagot. Hindi ka nga lang sigurado at kinabahan ka sa kung anung pwersa meron ka sa tabi na anumang oras ay pwede kang masaktan .

Ang iyong GURO

RESULTA :

Hindi ka nakasagot at pinagtawanan ka dahil hindi mo nasagot o di kaya ay may sagot ka pero mali kaya pinagtawanan ka pa din 🙁

Tinandaan ko ang mga araw na yan kung saan naging parusa na sa akin ang pagsagot sa board o sa recitation dahil anumang oras handa ang buong klase na pagtawanan ako sakaling magkamali ako .

Nakakulungkot na ito ang senaryo sa loob ng klase

Pagtatawanan ka kapag mali ang sagot mo !

Ibinuhos mo na ang lahat sa pagtuturo pero wala pa ding makasagot.

baka

  1. Hindi talaga nila alam ang sagot.
  2. Baka naman hindi ka nila naiintindihan sa pagtuturo

at ang pinakamalala

3 .Alam nila ang sagot pero takot sila na magkamali .

kasi sanay tayo na may

star ang makakakuha ng tamang sagot

o di kaya ay

chips sa lahat ng estudyanteng madalas utusan ni teacher .

Paano kung mali ka ?

Madalas sasabihin na hindi ka kasi nakikinig o nakikipagdaldalan .

kaya pasasagutin natin sila ng tanong na alam nating mapapahiya at mapagtatawanan sya sa klase .

kung sakaling mali ang sagot nya !

1.Hayaan mong maitama ang mali nyang sagot sa board o sa mismong pagkakataon na ibinigay nya ang sariling sagot .

2.Payagan mo silang magkamali sa recitation .Basta huwag siyang matakot na ibigay ang kanyang sagot.

3.Protektahan natin ang mga bata na nagbigay ng lakas ng loob na sagutin ang tanung laban sa mga nagaabang na magkamali sya .

Sawayin natin ang klase na huwag tawanan ang maling sagot.

Ugali na natin yan

na kahit gaano kaganda ang isang pangyayari ung mali na napakaliit ang usapusapanat magiging issue nito.

Pero dahil paaralan ang institusyong maaring magtuwid nang kabaluktutan ng mga ugali natin .Kagaya ng lagi kong sinasabi

SA ATING GURO MAGSISIMULA ANG PAGBABAGO.


https://www.facebook.com/photo.php?fbid=2588286551202649&set=a.1090904977607488&type=3&theater

1
Leave a Reply

avatar
0 Comment threads
1 Thread replies
0 Followers
 
Most reacted comment
Hottest comment thread
1 Comment authors
admin Recent comment authors
  Subscribe  
newest oldest most voted
Notify of